New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.

Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon
Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon
Wala akong pakialam sa 'king nakaraan
Kahit na ako'y pinagtatawanan
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na 'ko tinutulak sa'ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan
At mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi mo na 'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Mas mahal na kita ngayon
'Wag ka nang magtatanong
Basta't mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo
'Di mo na pinapalayas ng nakahubo
'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon... howohuwohuwo
('Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong... ataol...
Hay salamat!



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/m/michael_v/mas_mahal_na_kita_ngayon.html

Correct | Report

Please input the reason why these lyrics are bad:

songmeanings

  • r
    0
    rakistaakoDec 16, 2010 at 8:27 am
    Ito ang pinakamatalinong komposisyon na nakita ko sa tanang buhay ko siguro. Ang galing ni Bitoy! Habang nakikinig ka sa kantang 'to, napapatawa ka, napapaluha, napapa-wow!, napapasayaw... Galing talaga! Kaya, institusyon na si Bitoy sa showbiz. Maipagmamalaki talaga.
  • 3
    0
    385Nov 7, 2009 at 3:43 am
    hehehe,kaz kayong mga lalaki lam u namn na d pla kau mahal noon,sna humiwalay na kau ng d nyo mrmdaman ang sakit,kngsbgay love is blind nga tlga,lhat ggwin ng dhil sa pesteng pgmmhal.hahaha

    Write about your feelings and thoughts

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Unregistered
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!
    Explain

    Write an explanation

    Your explanation
    Add image by pasting the URLBoldItalicLink
    10 words
    Good
    Cool
    Awesome!
    Explanation guidelines:
    • Describe what artist is trying to say in a certain line, whether it's personal feelings, strong statement or something else.
    • Provide song facts, names, places and other worthy info that may give readers a perfect insight on the song's meaning.
    • Add links, pictures and videos to make your explanation more appealing. Provide quotes to support the facts you mention.
    Before you get started, be sure to check out these explanations created by our users: good, very good, great.
    ×