New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.

Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Ako'ng inyong lingkod Didjay Vijay
Nandito 'ko para maghanap-buhay
At your service DJ Bumbay

Pumili na kayo, maganda na mura pa
Ito ang aking mga paninda
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

Meron akong banig, kasya ang sampu
Wala lang hihiga, lahat nakatayo
Gusto mo plantsa para sa damit
Pero yung handle ang umiinit

Kung naiinitan, mag-electric fan
Ang umiikot ay 'yung katawan
Porselanang arinola galing Pakistan
May factory defect, sa loob ang hawakan

Meron akong kalan na gawa sa Japan
Lumalabas ang apoy doon sa pihitan
Kaha de yero para di manakawan
Pero hanggang ngayon hindi ko pa mabuksan

Bagong cellphone, tatak Nokia
Motolite ang tatak ng baterya nya
May tv rin ako, mura lang, brand new
Kaya lang ang screen merong grado

Halika na kayo, wag kayong mahiya
Umiikot ako buong Maynila
Minsan naglalakad, minsan nakamotor
Four gives, five-six, libre door-to-door

I'm your friendly neighborhood hulugan
Didjay Vijay wag nyong katakutan
Come on every all, come on every one
Sumabay sa tugtog, DJ break it down

Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Muling nagbabalik Didjay Vijay
Ako ang traveling ukay-ukay
At your service DJ Bumbay

Maraming bago, marami 'kong dala
Galing Amerika at buong Asia
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

Meron akong Rolex, uy bagay
Maraming diamong, isa lang ang kamay
Brand new flat screen colored tv
Ang kulay ng palabas itim at puti

May rubber shoes ako tatak Adidas
May factory defect, sa loob ang sintas
Kailangan mo ng shoes, panterno sa barong
Meron akong boots sa harap ang takong

Kung ang business mo ay construction
Mura lang, kuha na, de-pedal na pison
Masakit ang mata, pagod maghapon
Meron akong eye drop na roll-on

Bili na ng kutsikyo, made in Japan
Ay napakatalim lalo na yung hawakan
Gintong wallclock galing Switzerland
Pero baliktad sa harap ang sabitan

Next time pagbalik ko, I will bring a lot more
Four gives, five-six, libre door-to-door
Pwede utang, wag nyong kalimutan
Basta't wag nyo lang akong tatakbuhan

Kaya pag nakita nyo ako say hi
Ako'ng inyong lingkod Didjay Vidjay
But you can call me DJ Bumbay
Nagpapaalam, so long, goodbye



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/m/michael_v/dj_bumbay.html

Report

Please input the reason why these lyrics are bad:

songmeanings

      Write about your feelings and thoughts

      Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
      U
      Unregistered
      Min 50 words
      Not bad
      Good
      Awesome!
      Explain

      Write an explanation

      Your explanation
      Add image by pasting the URLBoldItalicLink
      10 words
      Good
      Cool
      Awesome!
      Explanation guidelines:
      • Describe what artist is trying to say in a certain line, whether it's personal feelings, strong statement or something else.
      • Provide song facts, names, places and other worthy info that may give readers a perfect insight on the song's meaning.
      • Add links, pictures and videos to make your explanation more appealing. Provide quotes to support the facts you mention.
      Before you get started, be sure to check out these explanations created by our users: good, very good, great.
      ×