0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

recentactivity

  • All
  • Submitted
  • Corrected
  • Explanations
  • Meanings
+ 3
Meaning
Itong kanta na ito, number one favorite ko dahil tuwing may videoke kinakanta ito ni Leo Mahal Ko. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko parang hinaharana niya ako. Tulad kanina nung kumanta siya itong ngiti ang kinanta niya at ang mas nakakakilig pa nakatitig kami sa isa't isa animo ay may sarili kaming mundo kanina at inasar kami ng mga kasama namin. Jusme, pati puso ko kinilig hanggang ngayon nga kahit anong pigil ko ay kinikilig pa rin yung puso ko sobrang bilis ng pintig nito! Feeling ko hinarana niya ako, at nakuha ko ang mensaheng gusto niyang iparating tuwing hindi ako nakatingin pinagmamasdan niya ako pinapangarap niya akong maging kanya. Mapupulang labi at matingkad na ngiti ko tama siya ng pinantukoy dahil mapula talaga ang labi ko at maganda talaga ang ngiti ko dahil nagpapakita at nagpapaliwanag ito sa madilim na daang tinatahak ng mga malalapit sakin lalo na at Mahal Ko. Tinamaan nga siya sakin dahil sa ugaling meron ako. Grabe feeling ko talaga ay hinarana niya ako at ako naman Di mapigilang magblush dahil kinikilig ako.
- 0
Meaning
Para sakin gusto kong iparating ang mensahe ng kantang ito kay Leo Fajanilan na ayaw ko siyang umalis kasi natatakot akong hindi na siya bumalik. Kapag umuwi siya natatakot akong hindi na siya bumalik at maiiwan na naman akong mag-isa. Ang dami naming alaalang binuo. Nagsimula iyon noong disinuwebe ako lagi ko siyang nakakasama sa pagbabalot ng tinapay tuwing madaling araw. May nagsabi nga sakin na gusto niya akong laging kasama sa pagbabalot dahil natititigan niya ako ng malapitan at napakabait ko daw. Kung uuwi siya paano ako? Paano ko tutuparin ang mga pangarap ko kung yung lalaking minamahal ko na siyang gusto kong bahaginan ay wala na sa tabi ko? Kahit na masakit para sakin hahayaan ko na lang hindi kasi ako selfish. Pero ang masakit lang ay wala siya sa mismong kaarawan ko. Leo Fajanilan Mahal Ko, kahit na masakit para sakin hahayaan kitang abutin ang pangarap mo ganoon kita kamahal. Pwede mo akong balikan anumang oras na gustuhin mo. Sana lang huwag kang mawawala sa mismong araw ng pagtatapos ko ng kolehiyo. I love you so much, Mahal Ko.
  • Rank
    12282
  • Karma
    10
  • Points to next rank
    2
  • Submitted
    0
  • Corrected
    0
  • Explanations
    0
  • Meanings
    2