0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

recentactivity

  • All
  • Submitted
  • Corrected
  • Explanations
  • Meanings
- -1
Meaning
Sa aking palagay ang damdamin ng sumulat nito ay wagas at lubos. Subalit, tila kahit pa anong lalim nyang magmahal ay hindi nasusuklian o walang tumatanggap. Paulit ulit na nangyari ito sa kanya kaya nagtatanong siya sa tadhana na bakit tila sa kanya na lamang ito nangyayari. Sa wikang ingles ito malamang ay Unrequited Love. Sa bawat letra na nakasaad sa kanta madadama mo talaga ang damdamin na sinabayan pa ng malungkot na areglo ng kanta. Sa aking obserbasyon sa panahon ngayon, ang mga taong kagaya ng sumulat ay hindi nabibigyang pansin at mas pinipili pa ang mga hindi seryoso at walang sinseridad sa pagibig. Ito marahil ang iniisip ng sumulat, kung gaano kadaya ng mundo, kung gaano kailap ng pagibig, at kung gaano kasakit ng pagmamahal. Ako kasama ang sumulat ay humihiling na sana mabigyan kami ng pansin, mabigyan ng pagkakataon ng ipadama kung gaano kami magmahal, magalaga at magalala. Kami yung tipo ng tao na "all in" dahil naniniwala kami na wala kang pagsisisihan kung gagawin mo ang lahat para sa taong mahal namin. Salamat at pasensya na.
  • Rank
    41034
  • Karma
    5
  • Points to next rank
    2
  • Submitted
    0
  • Corrected
    0
  • Explanations
    1
  • Meanings
    0