Request & respond explanations
  • Don't understand the meaning of the song?
  • Highlight lyrics and request an explanation.
  • Click on highlighted lyrics to explain.
Toni Gonzaga – Kasama Kang Tumanda lyrics

Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda


Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda


Ibibili ng balot pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin...
Kasama kang tumanda...


Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw parin
Ang pinakagwapong papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda



Lyrics taken from /lyrics/t/toni_gonzaga/kasama_kang_tumanda.html

  • Email
  • Correct
Corrected by shannonkim

Kasama Kang Tumanda meanings Post my meaning

  • U
    + 46
    Unregistered
    Kasama kang tumanda: yung tipong hindi magbabago yung tingin niyo sa isa't-isa, yung kinikilig pa rin kayo dahil sa ginagawa ng bawat' isa, yung para pa rin kayong mga teen agers na nakukulitan lang. Yung bago matulog mukha ng bawa't isa yung nakikkita niyo, at sa paggising yun pa din yung sasalubong sayo. Yung sabay kayong dumadaing ng mga sakit niyo sa katawan, yung sabay kayong nagkaroon ng wrinkles, yung sabay niyong tinitignan yung paglaki ng mga apo niyo, at pinagmamasdan ang mga pangarap na natupad niyo ng magkasama. Yan ang perfect definition ng kasama kang tumanda para saakin. Yung hanggang huli kayo pa din.
    Add your reply
  • U
    + 9
    Unregistered
    Para sa babaeng kausap ko ngayon. Kahit madalas sa screen lang nag uusap. Sa screen lang nagkikiss. Sa screen lang nagyayakapan. Mahal na mahal na mahal kita. Salamat kasi binigay ka nya saakin. Sobrang bilis ng panahon. Nung isang buwan di kita kilala. Nung isang linggo magkachat lang tayo. Nung sumunod na linggo namimiss na kita. Tapos mahal na kita. Ngayon mahal na mahal kita. At ayoko nang maghanap ng iba. Ikaw lang sapat na.
    Add your reply
  • U
    + 3
    Unregistered
    Ang gusto ko lamang makasama kang tumanda victor lastimosa, kahit mag kalayo tayo, umaasa parin akong ikaw ang makakasama ko sa aking pag tanda kac wala akong pinangarap na iba kundi ikaw lang, mula pa nong una tayong nag kakilala, hanggang ngayon ikaw parin ang aking pinapangarap, ang dami ng nangyaring masama sa ating relasyon ngunit eto parin tayo matatag ang relasyon,. Muntik-muntikan ng sumuko pero hanggang ngayon tayo paring dalawa,., ipinagdarasal ko na sa habang buhay ay ikaw at wala ng iba pa. ,. , iloveyou till I die,.,., from: angelie sarayno, sana mabasa mo eto.
    Add your reply
  • U
    + 2
    Unregistered
    Pinanood ko yung video na ginawa ko para kay Papa D at ito yung background music. I can't stop smiling. And even tho your the one that got away bcoz of my mistakes. Darating yung panahon na pupunta ako sa inyo at ako naman ang manliligaw sayo. Haharanahin kita sa kantang to and I hope by that time "oo" pa rin ang sagot mo.
    Add your reply
  • i
    - 1
    ihatemanflirts001
    Para sakin, walang forever hahaha joke lang. Ang ganda nang song na ito, habang pinapakinggan ko to naiisip ko parents ko na sobrang sweet at yung crush ko na grabe maka dedma. Pero kung sakasakaling makita ko na yung lalaking itinadhana ng Diyos para sakin hinding hindi mawawala sa kasal ko ang kantang 'to. Para kasi sakin this song symbolizes infinity, and infinity symbolizes love. Perhaps, I would recommend to my future husband na ito nalang theme song namin, 'cause this song really captured my heart, this song has a strong spirit and soul.
    If someone would ask me to write on a piece of paper how much I love this song, I guess, there would be no papers left.
    Add your reply
  • m
    - 1
    marbrey143
    Love na love kung song na ito marami ng tao ang kumanta nito tulad ni toni gonzaga, vh0ng navarro,daniel padilla , epey herher at marami pang iba. .ang ganda ng s0ng na ito . . Dito pinapatunayan na kayo parin sa pag tanda nio walang tuTutol sa inyo kahit anung mangyari kayo parin .. gagawin nia ang lahat para sayo para makasama ka mapasaya ka at mabuhby ka ng maliGaya hangGang sa pagtanda niyo kayo parin ang magmamahalan. . Magkakaroon ng magandang pamilya. . Magmamahalan. ..magiGing maliGaya sa isat isa. . Dito niyo mapapatunayan na kayo parin. Ang magmamahalan hangang sa kamatayan at walang hanggan..magkakasama..at patUnay na kayo lang dalawa ang para sa isat isa
    Add your reply
  • U
    - 1
    Unregistered
    Kasama kang tumanda yun yung best feeling na magkasama kayo,yung tipong hinding hindi niyo pinag sasawaan ang isa't isa yung hindi kayo nagbabago,
    Yung binabalik tanaw niyo yung nakaraan niyo habang pinagmamasdan mga anak at apo niyo,yung kaht matanda na kayo nakukuha pa manuod ng sine o mag date yung kasama mo siya sa laht nang bagay..
    Best feeling na makasama mo yung taong mahal na mahal mo,
    Yung kahit puting puti na ang buhok mo sasabhin parin sayo na maganda ka,yung hindi napapagod patawanin ka,at samahan ka sa laht nang kalungkutan.
    Add your reply
  • v
    - 1
    vincerosaupan
    I love toni gonzaga and his song! Para sa akin ang kanta na ito ay nag papatunay sa matagal at labis na pag mamahal sa isa't isa kaya nag "kasama sila sa pagatanda"ito ay nag papatunay na kahit ano mang pag subok na dumating sa kanilang buhay ay ma lalampasan pa rin nila dahil sa pagmamahal nilang dalawa hanggang kamatayan sila ay nag mamahal pa rin! Parang sa storya sa romeo and juliet kahit bawal silang magkita sa isa't isa pero tinutol pa rin nila ito at nagmahalan habang buhay hanggang kamatayan! Sa movie ng kasama kang tumanda ay nakaka iyak nong nag away c toni at vhong pero na lampasan na man nila ang pagsubok na iyon nagmahalan pa rin sila habang buhay hanggang sa kamatayn at pumunta na sa langit kasama ang doktor na mukang loko!
    Add your reply
  • U
    - 2
    Unregistered
    "Kasama Kang tumanda. Ang sarap pakinggan diba? Lalo na kong ang mahal mo sa buhay ang magsasabi nun. Siguro abot tenga ang ngiti mo. Etong kantang to. Narinig ko lang sa penikula ni Toni G at Vhong Navarro. Tapos kinakanta ng katrabaho ko. Napaisip ako! Ang ganda, tumatagos sa puso. Bawat salita sa kanta ang ganda ng mensahi. Tapos parang kinikilig kilig pa ako, pag naririnig ko. Minsan kinakanta ko to sa boyfriend ko. Gusto ko eto teamsong namin. Kaso lang, may napili na cya na teams0ng. So okey na din para sa akin. Nahiligan ko na din tong pakinggan at kantahin kahit na wala ako sa tono at wala talaga akong ipagmamalaking ganda ng boses. HAHAHAHA. Sabi nga sa kanta "Itong awiting ito ay alay sayo, sintunado man tong mga pangako sayo. Ang gusto ko lamang kasama kang tumanda! Last na to. Gusto kong iaply yung kanta sa ta0ng mahal ko, lahat ng mensahi ng kanta. Gagawin ko sa Mahal ko, at gusto ko "kasama ko syang tumanda. Si Ralph Vittorio Queneri. (Arvz Queneri) Iloveyou. Iloveyousomuch. Iloveyousomost. <3.
    Add your reply
  • U
    - 2
    Unregistered
    Mahalq masaya ako kahit medyo kumplikado pero sana hindi pa huli ang lahat, hindi ko alam kung si Bro ba ang may gawa nito pero nagpapasalamat ako sa kanya at nakilala kita, hindi man tayo yung may magandang naumpisahan, sana tayo naman yung may magandang patutunguhan lahat naman kakayanin basta nandiyan ka lang at kasama kang tumanda, iloveyou! Happy 365 days and more.
    Add your reply
    View 5 more meanings

    Write about your feelings and thoughts about Kasama Kang Tumanda

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!

    Top meanings Post my meaning

    • U
      + 46
      Unregistered
      Kasama kang tumanda: yung tipong hindi magbabago yung tingin niyo sa isa't-isa, yung kinikilig pa... Read more →
    • U
      + 9
      Unregistered
      Para sa babaeng kausap ko ngayon. Kahit madalas sa screen lang nag uusap. Sa screen lang nagkikiss.... Read more →

    official video

    Featured lyrics

    0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z