Request & respond explanations
  • Don't understand the meaning of the song?
  • Highlight lyrics and request an explanation.
  • Click on highlighted lyrics to explain.
Jeremih – Nanghihinayang lyrics

Inaamin ko, nagkamali ako
Inaamin ko, nasaktan ko ang puso mo
Iniwan ka nang walang dahilan
Sumama sa iba at hindi man lang ako nagpaalam
Di man lang nagpaalam

Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala
Dinibdib mo ang aking pagkawala
Palagi ka raw umiiyak
Palagi mo raw akong hinahanap
Di ka pa rin nagbabago
Mahal mo pa rin ako

Chorus:
Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko ay lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na

Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala
Dinibdib mo ang aking pagkawala
Palagi ka raw umiiyak
Palagi mo raw akong hinahanap
Di ka pa rin nagbabago
Mahal mo pa rin ako

Chorus:
Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko ay lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na

Chorus:
Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko ay lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na



Lyrics taken from /lyrics/j/jeremih/nanghihinayang.html

  • Email
  • Correct

Nanghihinayang meanings Post my meaning

  • U
    + 13
    Unregistered
    We've been together for five years, and I thought kami na talaga para sa isa't-isa. Mahal na mahal namin ang isa't-isa, pero sa paglipas ng panahon parang bula na lang na naglaho yung feelings ko for him, hindi ko sinasadya pinilit kong ibalik pero wala na talaga hanggang sa bumitaw na ako. I'm so sorry mb I know that I hurt you so much pero alam kong mas masasaktan ka kong hindi mo malalaman yung totoo. Naiintindihan ko lahat ng galit mo, pero sana lang palayain mo na talaga ako, kasi napapagod narin ako. Sana dumating yung araw na mapatawad mo ko. Kahit sobrang sakit ang naidulot ko sayo. Sana makita mo na yung babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng totoo. Sana matanggagp mo na wala na talaga tayo. But still I care for you. Even romance turn into friendship.
    Add your reply
  • U
    + 7
    Unregistered
    Pag-ibig nga naman, sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Sa simula palang ng isang relasyon sobrang saya walang kaproble-problema pero pag dumating na sa puntong may isang kunting hindi kayo nagkaintindihan, doon na magsisimula ang lahat, magkakalabuan kayo hanggang sa may isang sumuko.

    Masarap magmahal pero sobrang hirap masaktan.
    Ako non?
    Halos inumin ko na lahat ng alak sa tindahan mawala lang kunti ung sakin nong iwan ako ng taong mahal na mahal ko pero narealize ko para san pang magpakatanga ako sa taong pinagtatabuyan na ako, diba?
    Kaya ang ginawa ko, nagpakabusy ako hanggang sa makalimutan ko sya, ngayon? Makita ko man sya ulit alam kong sa puso ko na hindi sya ung guy na para sa akin, and thanks God kasi hindi sya ung binigay sakin. Alam ko namang.
    Ako din ang masasaktan pag dumating yong araw na lulukuhin ako.

    Kaya sa mga readers na nasaktan? Wag ng balikan ang ating nakaraan, pagpatuloy nyo lang ung mga bagay na talagang totoong nagpapasaya sa inyo kalimutan ang mga masasakit na nakaraan. God bless :)
    1 reply
  • U
    + 6
    Unregistered
    Yung taong minahal ko noon ay umalis nalang at nakahanap ng mas higit p sa akin at ung taong minahal niya ay tinuring kong bestfriend dahil tiwala ako at magaan loob ko pero sa bandang huli ako rin pala ang mkakaramdam ng sakit at pighati sa taong minahal ko ng sobra at naging sarado ang utak ko ng dahil siya lang ang talagang minahal ng totoo hanggan sa makalipas ng ilang taon. Kung nasaan ka man ngayon sana maging happy ka at sana pagdating araw magkikita dun tayo ng walang ilangan at kaya natin iharap ang ating mga mahal sa buhay natin:) ingat ka at ako masaya n sa piling ng taong minahal ko ulit ng walang katulad ng iba:) god bless you god will guide you wherever you are.
    Ynra.
    Add your reply
  • c
    + 3
    clarizel_magbanuasalibio
    Alam niyo ito ang love song ko sa bf ko na si alfried kaya ang masasabi ko lang kong asan kaman ngayon tandaan mo ikaw lang na lalaki ang nakita ko sa boung mundo na seryuso sa isang babae kahit ganito ako tangap mo parin akala ko nga madidiri ka yon pala hindi alam kong malungkot ka dahil umuwi ako agad pero babalik din ako dahil hindi kita kayang iwan ako pala si clarizel salibio na nag mamahal kay alfried francisco mahal ko poh sya walang iwanan.
    Add your reply
  • U
    + 2
    Unregistered
    Itong kantang to ang nag papabalik nang alala naming ng bf ko, ngayon wala na kami kasi nkipag hiwalay ako sa kanya nang walang dahilan alam ko nasaktan sya sa ginawa ko mahal pa kasi niya ex niya ang ayoko lang naman akoyong mag pa ka marter so ginawa ko nalng to para nman di ako masaktan. Sorry alni rojan camantes :(.
    Add your reply
  • j
    + 1
    Janesis Maria Katrina Bacsa Castillo
    Tuwing naririnig q ang kantang ito hindi q mapigilan ang masaktan at humagulhol at umiyak. Kasi iniwan at iniwasan aq ng taong minahal ko ng higit 7 months, wala man lang siyang sinabing dahilan, basta na lang niya aq iniwasan ng hindi niya iniisip kung anng nararamdaman q at mararamdaman q. Siya, c Kuya Oliver at si Best Haizel ang pinakaimportanteng tao sa buhay q sila yung mga tunay qng kaibigan na nakakaintindi sakin pero iniwan niya rin aq at pakiramdam q rin na unti-unti ng nawawala ang tatlong pinakaimportanteng tao sa buhay q. Tiniis q lahat ng pagdurusa at sakit ng 4 na buwan. Napakasakit ng ginawa niya sakin. Akala q walang iwanan pero iniwan rin nila aq! Nagdurusa ang puso q. Wala aqng sinaktan at inagrabyadong tao pero bakit nagagawa aqng saktan? Tuwing gabi at kasama q mom q nccktan ang mom q dahil hindi aq karapat-dapat na saktan ng ganito. Tuwing mag-isa aq hindi q mapigilang itanong sa sarili q kung anng nagawa q para saktan aq ng ganito. Hindi q siya mapapatawad kahit na kailan kahit na magmakaawa cia sa harap q. Hahayaan q rin siyang magdusa gaya ng pagdurusang ibinigay niya sakin. Ang hindi q maintindihan ay kung bakit mahal q pa rin siya hanggang ngaun kahit na may nobyo na aq. Basta na lang niya aqng hinayaang magdusa at bigla na lang niya itinapon lahat ng pinagsamahan namin. Hinding hindi q siya mapapatawad itaga niya iyan sa bato.
    Add your reply
  • U
    0
    Unregistered
    Kapag narinig ko itong kantang to mapaluha ako kasi iniwan ko ang bf ko na walang dahilan alam kong nasaktan sya nang subra sa ginawa ko. At ngayon palagi syang nagtatanong kung bakit daw ako nki pag hiwalay sa kanya ng walang dahilan. Sorry babe ginawa ko lang to dahil ayoko nang masaktan ayokong magpaka marter, alam ko naman mahal mo pa ex mo kaya ito nkipag hiwalay ako para mabalik na dating kayo sana maintindihan mo ako kasi masakit kasi kapag hindi na kita pakawalan na alam ko namang mahal mo pa ex. So thank you for everything kung alam mo lang mahal pa kita hanggang ngayon :(.
    Add your reply
  • U
    0
    Unregistered
    Nasaktan ako nung pinamukha mo sakin na hindi ako mahalaga sau melvin. Tinuring mo lang ang ating relasyon bilang isang laro. Binigay ko nman lahat ng kinailangan mo, pero bakit ganun? Hindi ka parin ba nakuntento sa lahat ng binigay ko sau? Sa tuwing naaalala ko lahat ng ginawa mo sakin? Bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Habang inaalala ko lahat ng ginawa mo sakin noon. Naiiyak na lng ako. Bakit ba kasi iniwan mo na lang ako ng basta? Wala nman akong ginawang mali na ikakalayo ng loob mo sakin? Bakit ba hanggang ngayon minamahal pa rin kita melvin? Lahat kinalimutan ko mapatawad lang kita, pero ikaw nman na ang tuluyang lumayo sakin ng lubusan? Bakit ba hindi mo ako mahalin ulit? Hindi pa rin nman ako nagbabago ee. Ako pa rin ung trixie na minahal mo. Kapag nalaman mo ba na mahal pa rin kta, mamahalin mo ulit ako? Sana nga dahin hanggang ngaun hindi pa rin ako nakaka move on sa mga ginawa mo sakin. Ilove you till death melvin. Pero siguro kailangan ko nang tapusin ang feelings ko sau o ang pagmamahal ko, kasi hindi na tlaga maibabalik ung past natin. Pero kahit ganun, gagawin kong inspiration ang ginawa mo sakin. Sana maging masya ka na sa piling nya.
    Add your reply
  • U
    0
    Unregistered
    Napakaskit ng iniwan mo ako mak. Sa twing naririnig ko ang kanta, umiiyak ako na para bang kahapon mo lang ako iniwan. Ang tagal mo nang akong iniwan 2 taon na. Hindi ka ba nanghihinayang mak? Kasi nanghihinayang ako sa relasyon natin. Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita at umiiyak pa rin ako sa twing naririnig ko ang kanta. Sana matanggap ko na ang lahat at makalimutan na kita. Honey.
    Add your reply
  • U
    0
    Unregistered
    Sa twing naririnig ko ang kanta ito nasasktan ako at umiiyak. Kasi iniwan ako ng taong mnahal ko nang hgit apat na taon, wala man lang sinabing dahlan, basta bigla na lang hindi nagpakta sa akin. Para syang isang bula na nawala lang bigla. Tiniis ko ang sakit ng 2 taon. Napakasakit ng ginawa nya skin. Minahal ko sya ng sobra nang buong puso pero iniwan nya ako. Hindi ko sya mapapatawad. Pero bkit hanggan ngayon mahal ko pa rin sya.
    Add your reply
    View 5 more meanings

    Write about your feelings and thoughts about Nanghihinayang

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!

    Top meanings Post my meaning

    • U
      + 13
      Unregistered
      We've been together for five years, and I thought kami na talaga para sa isa't-isa. Mahal na mahal... Read more →
    • U
      + 7
      Unregistered
      Pag-ibig nga naman, sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Sa simula palang ng isang relasyon... Read more →

    official video

    Featured lyrics

    0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z