Ang Butil Ng Pag-ibig lyrics by Gary Granada - original song full text. Official Ang Butil Ng Pag-ibig lyrics, 2024 version | LyricsMode.com
Request & respond explanations
  • Don't understand the meaning of the song?
  • Highlight lyrics and request an explanation.
  • Click on highlighted lyrics to explain.
Gary Granada – Ang Butil Ng Pag-ibig lyrics
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal
Magsasaka, mangangaral at mangangalakal
Doo'y may ermitanyong nasalubong nila
May tatlong kumikislap na butil na dala

Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila
Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga

Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal
Nilapag at itinuring na panauhing pandangal
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig

Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang magiting na guro, kanyang isinapuso
Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto

Nilukuban ng talino ng maingat na pantas
Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig

Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso
Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo

At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig

At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga, namunga ng kalinga,
Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig
×



Lyrics taken from /lyrics/g/gary_granada/ang_butil_ng_pag_ibig.html

  • Email
  • Correct

Ang Butil Ng Pag-ibig meanings

Write about your feelings and thoughts about Ang Butil Ng Pag-ibig

Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
U
Min 50 words
Not bad
Good
Awesome!

Post meanings

U
Min 50 words
Not bad
Good
Awesome!

official video

Featured lyrics

0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z