Patintero / Habulan / Larong Kalye lyrics by Ang Bandang Shirley - original song full text. Official Patintero / Habulan / Larong Kalye lyrics, 2024 version | LyricsMode.com
Request & respond explanations
  • Don't understand the meaning of the song?
  • Highlight lyrics and request an explanation.
  • Click on highlighted lyrics to explain.
Ang Bandang Shirley – Patintero / Habulan / Larong Kalye lyrics
[Verse 1]
Patintero
Sa tapat ng bahay niyo
Tayo naglalaro
Kung saan nahahati ang daan
Ng mga linyang nagtuturo
Na kahit laro ay mayroon ding hangganan

[Verse 2]
Patintero
Sa ilalim ng araw tayo naglalaro
Kung saan tayo ay sinusundan
Nitong aninong magsasabi
Na bawat galaw
Ay may kahulugan

[Chorus 1]
Nais kong mahagip
Ng damdamin na bumubulusok
Liliparin
Nitong natatangi nating pagsuyo
Habulin ang matulin
Na tibok ng ating puso
At ang maiiwang tanong
Nalang ay kung papano

[Verse 3]
Tao po
Yayayain sana
Kitang maglaro
Kahit sandali lang
Kung gusto mo
Pwede tayong mag-piko
Pamato mo ang aking puso
At wag mong aapakan to

[Chorus 2]
Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
At kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan

[Verse 4]
Halika na
Wala nang tao sa kalsada
Tayo'y maglaro na muna
Kahit sandali lang
Magtago ka
Ako na muna ang taya
Di ako titigil
Hangga't di kita nakikita

[Chorus 2]
Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kaagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
At kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan, naghahabulan
Naghahabulan

[Outro]
Itong pag-ibig ay larong kalye

×



Lyrics taken from /ang_bandang_shirley-patintero_habulan_larong_kalye-1573239.html

  • Email
  • Correct

Patintero / Habulan / Larong Kalye meanings

Write about your feelings and thoughts about Patintero / Habulan / Larong Kalye

Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
U
Min 50 words
Not bad
Good
Awesome!

Post meanings

U
Min 50 words
Not bad
Good
Awesome!

official video

Featured lyrics

0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z