Add Explanation
Add Meaning
$album_name
$date_release
$writer_name
New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.
Sam Joel Nang – Huni lyrics

Verse 1
Bayan ko, bayan mo, bayan nating mga Pilipino
Simbolo ng anyo, ng paninindigan, at pagkatao
Tayo ba’y nakikinig? S’ya nga ba’y naririnig?

Verse 2
Kay sarap pagmasdan sariling puwang na s’yang kinalak’han
Ang tubig, ang simoy, at lupa, at ang langit na kay asul
Ako ba’y nakikinig? Sila ba’y naririnig?

Refrain
O kay sayang masilayan ang kagandahang
Bigay ng Maykapal sa “Perlas ng Silanganan”
Sa baya’y handang ialay maging ang buhay
Dunong, diwa, at dangal

Verse 3
Ang bango ng ‘yong sampaguita, tamis ng mangga, at ang tibay ng narra
Sila ba’y nakikinig? Ako ba’y naririnig?

Chorus
Ang huni mo’y ‘king susundan sa tatahakin kong daan
Para sa ‘yo Inang Bayan, O Pilipinas!
Ako sa ‘yo’y magsisilbi; tagumpay mo’y minimithi
At diringgin ko ang huni mo Pilipinas

Break
Liwanag man o dilim
Huni mo’y mananatili

Refrain
Sa bawat pagkakalugmok ay babangon tayong
Puno ng pag-asa’t respeto sa kapwa tao
Pag-ibig at pagkakaisa ay ipairal
Susi sa kaunlaran

Verse 4
Bangayan, poot, sisihan, ay tuldukan na’t ituwid ang kamalian
Gunitain ang mga bayaning dugo at pawis ang s’yang iniambag
Sila ba’y naririnig? Tayo ba’y nakikinig?

Chorus
Para sa ‘yo Inang Bayan ang tatahakin kong daan
Tunay, minamahal kita, O Pilipinas!

Break
Liwanag man o dilim
Huni mo’y mananatili
At bukas sisibol na rin
Bunga ng iyong paghuni



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/sam_joel_nang/huni.html

  • Email
  • Correct

songmeanings

      Write about your feelings and thoughts

      Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
      U
      Min 50 words
      Not bad
      Good
      Awesome!
      This page is missing some information about the song. Please expand it to include this information. You can help by uploading artist's image, writing song meaning or creating lyrics explanation.

      Featuredlyrics

      Explain

      [an error occurred while processing the directive]