add artists photo
Repablikan
Add Explanation
Add Meaning
Repablikan

Kung Alam Mo Lang lyrics

$album_name
$date_release
$writer_name
New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.
Repablikan – Kung Alam Mo Lang lyrics

Di ko malaman kung pano ko ba sasabihin sayo na mahal na kita
Na tiyak ko na nga ang nadarama ko katulad ng ibigin ng aking ama
Ang aking ina at dahil doon sila ay nagkaroon ng anak na walo
Pang ikapito isinilang ako ang dalangin ko sana ay para sayo
Ang kapanganakan ko at kapalaran ko sana maging tayo ngang dalawa
Isa sa mga bagay kung bakit isinilang ako para pakasalan ka
Paglingkuran ka alayan ang pagmamahal na tanging sayo lang nilaan
Hayaan mo na awitan ka habang suot ko ang bagong damit kong nilabhan
At may dala pa kong mga bulaklak pero sana naman walang humalakhak
Pakinggan mo lang sanang awitin kong ito di mo na kailangan na pumalakpak
Makita ka lamang na nakangiti habang nakatingin sa king mga mata
Napapalundag ang puso kong ito papalakpak pati aking mga paa
Mahal na kita, at yan ang mga salitang nais ko sanang ipaabot
Handang ibaba ang mga bituin wag mo lamang sana sakin ipagdamot
Ang pagibig mo na walang katumbas kahit na anumang kayaman sa lupa
Makasama ka lang kahit anung pagsubok ay handa ko nang makasagupa

Chorus
Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
Sana pag nalaman mo, mahalin mo rin ako
Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito...
Kung alam mo lang

At tuloy ko na ngang itinatago ang laman ng aking puso
Pinipilit ko na wag sabihin kahit pa na maging tuso
Ang kamay sa katuturo kung saan ang direksyon
Para lang masabe ko sayo ang aking reaksyon
Binubulong na lang sa hangin ang itulak ng bibig
Kahit na anung mangyari may kaba sa king dibdib
Sapagkat kapag kasama ka walang hanggan aking ligaya
At kasabay ng paglunok kapag ikay aking kasama
Dahil hindi ko na nga masabe ang aking nadarama
Ang pagibig ko para sayo hindi mapadama
Natatakot na sabihin na gusto kang mahalin
Baka kase kapag nalaman mo ako ay sampalin
At sabihin mo sa akin na hindi kita mahal
Patawarin mo na lang kung ako may naging hangal
Labis kang minamahal ay yan ay kung alam mo lang
Sanay ipagpatawad mo dahil akoy mahirap lang

Repeat chorus

Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin matagal ko nang binigay to
Sa isang babae na siyang dahilan kung bat nagawa kong awiting ito
Para lamang sayo kung bawat oras at panahon gusto ko lamang ikay katabe
Abutin man ng magdamag umaga tanghali hapon man o mapagabe
Walang tulugan noon pa mahal na kita di mo pa ba natutunugan
Sa puso ko ikaw ang laman at niregaluhan ko ng bagay na di hulugan
Mula paanan sayo ko nakita gusto kong ugaling wala sa iba
Maganda na ang katawan pati kalooban kung alam mo mahal na kita
Handa na ko sumunod sa mga gusto mo alpinin mo man o ano
Handa ko na rin ibigay ang lahat maliban sa ngipin at katawan ko
At para naman makita mo kung gano kita kamahal at wala ng iba
Handa kitang pakasalan sa mga simbahan kahit pari pa natin lima
Basta marinig ko lang na ako lang wala ng iba ang yong mamahalin
Lahat ng sakin iyong iyo ay sakin ang ina ko ina mo na rin
Kung alam mo lang kung ano ang nadarama ko pag ikaw ay aking katabe
Lubos na ang aking saya pag kasama kita pag wala ka di mapakali

Repeat chorus 2X...



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/repablikan/kung_alam_mo_lang.html

Report

Please input the reason why these lyrics are bad:

songmeanings

  • u
    0
    UnregisteredNov 1, 2011 at 1:56 pm
    Di ko alam ang gagawin ko may isang tao ang labis ng pagmamahal niya sa akin, in love na inlove sya at di daw niya alm ang gagawin niya kung akoy mawawala sa kanyang piling, lagi daw akong nasa isip niya, sinabi niya ang nararamdaman niya sa akin sabi niya mahal na mahal niya ko at ako ang kanyang pinapangarap sa buhay niya, mahal ko rin sya pero di ko alam kung paano sabihin sa kanya ito at ngayon niligawan niya ko, sweet niya!

    Write about your feelings and thoughts

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!
    Explain

    Write an explanation

    Your explanation
    Add image by pasting the URLBoldItalicLink
    20 words
    Good
    Cool
    Awesome!
    Explanation guidelines:
    • Describe what artist is trying to say in a certain line, whether it's personal feelings, strong statement or something else.
    • Provide song facts, names, places and other worthy info that may give readers a perfect insight on the song's meaning.
    • Add links, pictures and videos to make your explanation more appealing. Provide quotes to support the facts you mention.
    Before you get started, be sure to check out these explanations created by our users: good, very good, great.
    ×