Sa pag mulat ng aking mata
Ako'y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw, makulay
Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag, pabulong
Ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw
Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwal
Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin
At hindi ko maalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko
Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo sa pagtitig mo
Sa mata ng Diyos
Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw biglang dumilim
Malambing na ihip ng hangin ngayon ay maitim
Ako'y nawala sa aking sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bata, bundok at puno man
Sumisigaw, sumisigaw...
At ngayon ko nakita
Ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
Init at kamunduhan
Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng Diyos
Mata ng Diyos...
Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man hindi makaiwas
Sa mata ng Diyos
sometimes it reflects on the the first people existed in this earth. adam and eve. [Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag, pabulong
Ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw]
but later as i sung the song i realized it was abel and cain's story. remeber that cain used a stone to stabbed abel on his head. [Mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko]
after that incident cain went on a horrible experince as God judges his action. he then realized the mistakes he have done to his brother.
the last part of the song simply means "how evil temped cain to do evil things such as killing his own brother."