Add Explanation
Add Meaning
$album_name
$date_release
$writer_name
New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.
Gagong Rapper – Sa Katotohanan lyrics

Chorus
Ayoko nang malaman pa na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
'Di na inalam ang totoo baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan

Baby, 'di ko man matanggap na ako'y iyong lisanin
Nagbulaglagan kahit ako'y 'yong inalipin
Napakasakit na harapan ang katotohanan
Kahit harap-harapan mo na akong pinagtaksilan

Isa bang mali na mahalin ang tulad mo
Sa puso't ko't damdamin, 'di maalis sa isip ko
Okey na maging manhid sa puso mo na isang bato
Ako'y magtitiis kahit mahal mo'y 'di ako

[Repeat chorus]

Namulat ako sa pagmamahal ko sa 'yo
Pati mga magulang ko, 'di pinakinggan para sa 'yo
Sa pag-aakalang ikaw ang pag-asa ko
Na magpapabago ng buhay at pagkatao

Lahat ng ego nilamon ko para sa 'yo
Para maramdaman mo ang pagmamahal ko
Kahit sa katotohanan na ako'y niloloko mo
Ako'y isang bulag na umiibig sa iyo

[Repeat chorus]

Nang makilala kita, buhay ko'y nagkaroon kulay
Akala ko magtatagal at habangbuhay
Masakit ang iniwan mo na nag-iisa
Lalong masakit nang pinagpalit mo sa iba

Ano ba ang nagawa kong kasalanan
Pagkatapos pahirapan, biglang iiwanan
Sa katulad ko na nagbubulag-bulagan
Ngayon ang puso ko, luhaan at sugatan

[Repeat chorus]

Bakit ka nag-iiba, puso mo'y 'di na ko kilala
Bigla-biglang nagbabalik, pagdating mo sa akin ay naglaho
Tila ngayon ay kay lamig, dati nag-aalab na pag-ibig
Kay hirap tiisin pasakit mo sa 'king damdamin

Dinudurog mo palagi ang puso kong ito
Sa tuwing malalaman na kayo na ang magkasuyo
Dapat bang magparaya't magbulag-bulagan
Sa tunay na pag-ibig mo na 'di ko na makakamtan

'Di kayang isipin, 'di kayang tanggapin
Ngayong wala ka na sa aking paningin
Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin
Paano ka mamahalin, wala ka na sa aking piling

'Di ko lilimutin masasayang lumipas natin
Sa aking isipan ikaw pa rin ang iibigin
Alaala na lang ba, do'n kita makakasama
'Di lubos ang ligaya ng pusong nag-iisa

[Repeat chorus twice, fading on the last time]



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gagong_rapper/sa_katotohanan.html

  • Email
  • Correct
Submitted byrheena

songmeanings

      Write about your feelings and thoughts

      Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
      U
      Min 50 words
      Not bad
      Good
      Awesome!
      This page is missing some information about the song. Please expand it to include this information. You can help by uploading artist's image, adding song structure elements, writing song meaning or creating lyrics explanation.

      Featuredlyrics

      Explain

      [an error occurred while processing the directive]