New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.

Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang syang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Verse I:

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat?
Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan

Chorus:

Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang syang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Verse II:

Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka
Di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na
Ngang pag asa kahit na akoy magsisi at lumuha
Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa
Gustuhin ko man na ibalik hindi na maari
Pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay-ari
At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan
Tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan
Ilang beses kung niloko ang sarili kong ito
Na kaya kung mabuhay kahit na wala sa piling mo
Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang,
Upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan
Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo
Yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo
Alam kung di mo na pakikinggan kahit na isigaw
Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw

Chorus:

Bakit kailangan humantong.sa hiwalyan ng lahat
Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap
Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta
Ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa
Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang syang naramdaman
Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Verse III:

Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
Na maibalik ang dati at makapiling sa twina
Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
At hindi talaga tau ang itinakda ng diyos
Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos
Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran
Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo
Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko

erepeat chorus 2xe



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/slim_of_repablikan/paglisan.html

Correct | Report

Please input the reason why these lyrics are bad:

songmeaningsPost my meaning

  • U
    0
    UnregisteredJun 21, 2012 at 8:08 pm
    Maskit ngang maramdaman kung ika'y iwan nang iung mahal, katulad nang nangyari saken, more than 1 years na kami nang hiwlayan nia ako, tinanong ko ang sarili ko, anu ba talaga kasalanan ko, bakit nia ako iniwan,? Ginawa ko namn ang lahat, bat gnun? Tama nga ang sabi ng iba, kung cnu pa ang seryoso at tapat magmahal ay sia pa ang palaging talo at sawi sa pag-ibig. Kashe seng precious{fb].
  • U
    0
    UnregisteredApr 28, 2012 at 7:48 pm
    " bkit kailangan humantong sa hiwalayan ang lhat, ang nangyari.
    Sa relasyon ntn na di ko mtanggp. " this song hits me so much.
    Because, the one I love leave me so many times but I always accept.
    Him everytime he come back again. =( gusto ko ng sumuko pero di ko.
    Mgawa ksi mahal ko sya, at ayoko magsisi sa huli. =((
    Haist. =( - zrxablnc.
  • U
    0
    UnregisteredJan 21, 2012 at 12:09 pm
    4 me this song is dedicate ito sa taong nagmahal ng lubos at binigay nya ang lahat sa knyang minamahal but the end sinasaktan pa rin pla sya nito. Nangyari na ito sa akin napaksakit mawalan at ang pinakasakit pa nun ay niloloko ka ng harap harapan. Na parang bng tanga na ngmamahal ka sa knya pro he inlove wd sumbody else. But b4 I end I just wnt 2 remeber 2 you boys and gurls dat every failure hve a chance 2 move on and 2 hve chance 2 become hapi even dat we are single. Bcoz we hve a family dat hndi mananakit sa atin di gaya ng mga taong minamahal mou pro sasakatan at gagamitin ka lng pla dba ang sakit?
  • Rhysiz_01
    0
    Rhysiz_01May 3, 2011 at 6:16 pm
    ---ahhh rapper den ako kau naka relare ako ng sobra. Astig ganda ng tema ng kanta. Chaka galing kac ung kanta parang sakto sa mga ngyari samin ng ex ko na sobrang mahal ko. Hanggang ngayon. Mahal ko parin cia kahit muka nalang akong tanga! Na umaasa. Pero ok lang sakin basta maligaya cia dun ako. Para sayo 2 "jeng" wag ka lang lalapit sakin at sasabihin mong sinaktan ka ng Bf mo dahil tang ina kahit di na tayo. Ipaglalaban kita.

    Ganda ng 2nd and erd stanza. Astig
    ---nc song---
  • m
    0
    mizh-qoeh-shienMar 8, 2011 at 3:18 pm
    Lam nio masarap sna tlaga mag mhal lalong lalo nah kpag cnabi nia sayo nah kw lg ung mahal niya at ala ng iba pero pano if gawa. Gawa lg nia at niloloko kah lg tpos meron pla siyang ibahng mhal ano ung pipiliin mo?.>>mamahalin mo pah bah siya khit lam mo nah masasaktan kah lg kse ayaw mong malayo sa knya at pa tuloy kalang aasa. Or hahayaan mo nalang at tatanggapin ung katotohanan nah iba ang mhal nia? Grrr. Gulo2 tlaga no bah mas dapat gwin. ? Hirap. Sh*t.

    Write about your feelings and thoughts

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Unregistered
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!
    Explain

    Write an explanation

    Your explanation
    Add image by pasting the URLBoldItalicLink
    10 words
    Good
    Cool
    Awesome!
    Explanation guidelines:
    • Describe what artist is trying to say in a certain line, whether it's personal feelings, strong statement or something else.
    • Provide song facts, names, places and other worthy info that may give readers a perfect insight on the song's meaning.
    • Add links, pictures and videos to make your explanation more appealing. Provide quotes to support the facts you mention.
    Before you get started, be sure to check out these explanations created by our users: good, very good, great.
    ×