Add Explanation
Add Meaning
$album_name
$date_release
$writer_name
New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.
Sangkaterba Family – Balewala lyrics

Verse 1:

Buhat ng ika'y aking masilayan
Ang nadama ko ay tila iba...
Ninais kita na alayan ng Rosas
Kung sa iyo, ay ayos lang ba?
Na kahit ito ay mumurahin
Ang mga nilaan ay wag mong kutyain
Hangarin ko lang na iyong mapansin
At mahagip din ng iyong paningin
Na kahit man lang sa ganitong paraan
Ay mapuna mo na ako ay handang
Tumulong sa'yo, kung malungkot ka
Nandito ako para ihakbang ang mga paa mo
Patungo sa kasiyahan na nais mo na matamo
Mahal na kita!
Di mo ba makita?
Imulat mo nga ang mga mata mo!
Na kahit ano man ang hilingin mo
Ay handa ko na rin sa'yo na ibigay...
Natiyak ko na nga ang nadarama
Mula ng sa puso kita malagay...
Sana bumigay,, sa awit na 'to
Pag-ibig sa'yo ang tanging paabot...
Wag lang pagdamot,,
Ang dalawang letra na "OO"
Na tangi mo sanang sagot
Kung nais mo pang haranahin kita
Sa bahay ninyo maniwala ka lang!
O ipakagat sa aso ninyo
Basta't sa tenga ko marinig lang
Ang mga salitang,, napakatamis,,
Na magmumula sa iyong labi
Ang makapiling ka sa habang buhay
Na sana ang tangi naman na mangyari...

Chorus:
Ikaw ang nagbigay saya,
Mula ng masilayan ka
At sana ay malaman mo,
Lahat ito'y laan sa'yo
Ang puso ko'y nabihag mo
Kaya ako lang ay sa'yo
At kung ako'y iiwan mo
Mamatay ang puso ko...

Verse 2:

At dumating na ang takdang panahon
At yon ay di ko inaasahan
Ang mala "NATA DE COCO" mong "OO"
Ay bigla mong binitawan...
Tanda ko pa nun, umaga pa yun,
At tayong dalawa'y nagkasalubong...
Biglang umambon, ng tayong dalawa'y
Napasilong sa kapiraso na bubong...
At napatingin sa aking mata
Sinabi mo sa'kin na
"sige na nga"
At napaluha sa sobrang saya
Sinabi mo sa'kin na
"gusto kita"
Kaya ako sinta, hayaang pakinggan...
Ang tanging awit na sa'yo nilaan...
Salamat na rin ng dahil sa'yo
Buhay ko'y malungkot nasiyahan
Sadyang ginapos ng panahon
Ang pag-ibig ko sa'yo tinuon
Parang inalon ang lungkot ko
Ng ikay sumagot "Mahal"
Di ko malimot ang regalong pabulong
Na ang laman ay tanging sagot
Upang malunasan ang dating poot
Humilom ang sugat tuluyang lumimot
Sa nakaraan mo na kay pait,,
Pilit kong binago ng pagmamahal
Ng pagmamahal na inalay sa'yo
Tanggapin mo't suklian mo ako
Ng pag-ibig na tanging sa'yo nagmula
At sana'y nawa,, ang awit kong 'to
Pakinggan mo ng iyong madama na
Ikaw lang talaga at wala ng iba...

Chorus:
Ikaw ang nagbigay saya,
Mula ng masilayan ka
At sana ay malaman mo,
Lahat ito'y laan sa'yo
Ang puso ko'y nabihag mo
Kaya ako lang ay sa'yo
At kung ako'y iiwan mo
Mamatay ang puso ko...

Verse 3:

Di ko lubos maisip lahat
Na ang kasiyahan natin ay lubos
Kasabay ng dasal ko sa itaas
Na sana ito ay di na magtapos
At sana ikaw lang at ako
Wala ng iba ang dapat itadhana
Sa isang bubong na dapat magsama
Na may pamilya na isang masagana
Ngunit bigla akong natulala
Ng pinagtapat mo ang iyong karamdaman
Nais mo sa 'kin na ika'y lumayo
'Pagkat malubha na ang iyong kalagayan
Halos lahat ay di ko matanggap
Di rin mapigil na di pumatak!
Ang mga luha sa mga mata,,
Ng malaman pagbalik mo'y di na tiyak
Tuluyan ka na ngang nag ibang bansa
Nagbakasakali na dun ay may lunas
Ang dinadala mo na karamdaman
Na sana naman ikaw ay makatakas
Sa isang paglipas ng panahon
Sapagkat isa lang ang laging tinugon
Ng sarili kong 'to na ika'y bumalik
Na kahit malabong mangyari pa yon
Tapos lahat biglang nawala
Ng makamit ko liham na pinadala
Mula sa Kapatid mo at iyong Ina
Isinaad dito yumao ka na
Oh bakit kaya nagkaganito?
Oh bakit kaylangan itong matamo?
Ang pagmamahal na ipinunla'y
Nabalewala ng ika'y lumayo!

Chorus 2:
Di ko lubos maisip na
Sa'kin ika'y mawawala
Pag-Ibig na ipinunla
Bandang huli balewala
Mula ng ika'y lumayo
Lungkot ang tanging natamo
Kaya ng iniwan mo
Kinamatay ng puso ko...
Kinamatay ng puso... Ko...

How sad! Kalungkot yung meaning ng kanta!
O ayan Gerome ginawaan na kita ng lyrics!
Hahaha
Antagal ka naman sagutin ni Aileen!!!
Gaylaya!! Makapoy kan talaga!!!
Haha!! I'm a fan pala ni Arje Pineda!!



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/sangkaterba_family/balewala.html

  • Email
  • Correct
Submitted bygstyb

songmeanings

      Write about your feelings and thoughts

      Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
      U
      Min 50 words
      Not bad
      Good
      Awesome!
      This page is missing some information about the song. Please expand it to include this information. You can help by uploading artist's image, writing song meaning or creating lyrics explanation.

      Featuredlyrics

      Explain

      [an error occurred while processing the directive]