New! Read & write lyrics explanations
  • Highlight lyrics and explain them to earn Karma points.

INTRO

Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok
Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit, malamig basta't napasandal
Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal

Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman
Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal
Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita
Kahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita
Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako
Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko

Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya
Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya
Buong hacienda, ipapamana sa iyo
Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako

CHORUS
Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal

Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin
'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw
'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw

Napahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram
Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip

Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa
At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala
Binale-wala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay
Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay

Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos
Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising

[Repeat CHORUS]

3RD STANZA BACKGROUND
Nasa'n ka man ngayon
Nais ko malaman mo
Hinahanap-hanap ko
Kinakabahan, iyong halik

Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng maisip mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal

[With 3RD STANZA BACKGROUND]
Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan
Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan
Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang
'Di na nga makapaghihintay, pahalik naman, isa lang, isa lang, isa lang

Ha, ha ha ha ha ha ha, he he he
Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik
Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling
Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising

Na para bang duling, para bang lasing na napraning
Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating
Ang minimithi, abot-kamay,walang wala ito sablay
Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay

Mga halik hanggang buhay, mga halik kahit patay
Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay
Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuang dahil sa 'yo
Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

[Repeat CHORUS]

CODA
Mahal
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Hah hah hah haah



Lyrics taken from http://www.lyricsmode.com/lyrics/c/crazy_as_pinoy/panaginip.html

Correct | Report

Please input the reason why these lyrics are bad:

songmeanings

  • U
    0
    UnregisteredFeb 8, 2012 at 11:14 am
    Idol ko tlaga cap. Galeng nice. Nice :) para sakin ito ay isang taong nabigo sa pagmamahal sa isang taong tunay niyang minamahal ng lubos pero nasaktan lang ang munting puso, di inaasahan na mangyayari sa kanya kaya kahit sa panaginip lang niya makikita ang minamahal okey lang, basta't hindi mawawala sa kanya ang nagbibigay buhay sa mapait niyang nararamdaman. . Iniisip na kung sakali mang tapos na talaga ay sa pagtulog nalang pananagipin ang taong lubos nitong pinagpapantasyahan, dahil sa panaginip lang magagawa, mararanasan, makikita, mahahawakan at matititigan ang taong iyong minamahal. By: sassy.
  • c
    0
    ChassyJan 21, 2010 at 2:49 am
    Para sakin ito ay isang taong nabigo sa pagmamahal sa isang taong tunay niyang minamahal ng lubos pero nasaktan lang ang munting puso, di inaasahan na mangyayari sa kanya kaya kahit sa panaginip lang niya makikita ang minamahal okey lang, basta't hindi mawawala sa kanya ang nagbibigay buhay sa mapait niyang nararamdaman. . Iniisip na kung sakali mang tapos na talaga ay sa pagtulog nalang pananagipin ang taong lubos nitong pinagpapantasyahan, dahil sa panaginip lang magagawa, mararanasan, makikita, mahahawakan at matititigan ang taong iyong minamahal.
    By: Sassy.

    Write about your feelings and thoughts

    Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips.
    U
    Unregistered
    Min 50 words
    Not bad
    Good
    Awesome!

    Featuredlyrics

    Explain

    Write an explanation

    Your explanation
    Add image by pasting the URLBoldItalicLink
    10 words
    Good
    Cool
    Awesome!
    Explanation guidelines:
    • Describe what artist is trying to say in a certain line, whether it's personal feelings, strong statement or something else.
    • Provide song facts, names, places and other worthy info that may give readers a perfect insight on the song's meaning.
    • Add links, pictures and videos to make your explanation more appealing. Provide quotes to support the facts you mention.
    Before you get started, be sure to check out these explanations created by our users: good, very good, great.
    ×